Liderato ng Kamara, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Cebu Rep. Del Mar

Nagluluksa ang Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos sumakabilang-buhay si Cebu Rep. Raul Del Mar.

Kaagad namang nagpaabot ng pakikiramay ang liderato ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Lord Allan Velasco sa pamilya at sa mga kababayan ng yumaong kongresista.

Ayon kay Velasco, naipakita ni Del Mar ang passion at commitment nito sa pagseserbisyo sa publiko sa loob ng siyam na termino bilang kongresista mula pa noong 1987.

Sa loob aniya ng 27 taon ay perfect attendance rin ang mambabatas at regular itong dumadalo sa mga sesyon at pagdinig.

Sinabi naman ni Majority Leader Martin Romualdez na hindi malilimutan si Del Mar dahil sa edad nitong 79 taong gulang ay hindi ito napagod na pagsilbihan ang kanyang mga kababayan kahit pa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Martes ng hapon, November 17, ipinagpaliban muna ng Mababang Kapulungan ang kanilang sesyon upang bigyang daan ang pagalala sa yumaong kongresista.

Read more...