Sinabi ni Elago na malaking bagay na nagsuspinde na ang ilang mga paaralan ng isang linggo para bigyan ng panahon ang mga mag-aaral at mga guro na isaayos ang mga bahay at kabuhayang nasira ng kalamidad gayundin ang makatulong sa kapwa.
Mahalaga aniyang ikonsidera ito ng mga ahensya upang matiyak din ang kaligtasan ng mga estudyante at mga guro.
Nauna nang nagsuspinde ng isang linggong klase ang De La Salle University (DLSU), Polytechnic University of the Philippines (PUP) at University of Santo Tomas (UST).
Nagde-demand ng academic break ang mambabatas para i-assess din ang kasalukuyang sitwasyon ng edukasyon sa bansa, ma-review ang faculty at student workload at maipatupad ang “no fail policy” para sa mga magaaral na apektado ng kalamidad.