Academic break para sa mga apektado ng bagyo, iginiit
Hinimok ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago sa Department of Education (DepEd) at sa Commission on Higher Education (CHED) na magdeklara ng academic break para sa estudyante, guro at mga staff na naapektuhan ng mga bagyo.
Sinabi ni Elago na malaking bagay na nagsuspinde na ang ilang mga paaralan ng isang linggo para bigyan ng panahon ang mga mag-aaral at mga guro na isaayos ang mga bahay at kabuhayang nasira ng kalamidad gayundin ang makatulong sa kapwa.
Mahalaga aniyang ikonsidera ito ng mga ahensya upang matiyak din ang kaligtasan ng mga estudyante at mga guro.
Nauna nang nagsuspinde ng isang linggong klase ang De La Salle University (DLSU), Polytechnic University of the Philippines (PUP) at University of Santo Tomas (UST).
Nagde-demand ng academic break ang mambabatas para i-assess din ang kasalukuyang sitwasyon ng edukasyon sa bansa, ma-review ang faculty at student workload at maipatupad ang “no fail policy” para sa mga magaaral na apektado ng kalamidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.