221 provincial buses patungong Region 6, papayagan nang bumiyahe sa pitong ruta simula Nov. 18

By Angellic Jordan November 17, 2020 - 03:38 PM

Bubuksan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pitong ruta ng 221 provincial buses simula sa araw ng Miyerkules, November 18.

Ang mga papayagang ruta ay patungong Region 6 at pabalik ng Metro Manila base sa Memorandum Circular No. 2020-051-C ng ahensya.

Sinabi ng ahensya na kilangang ‘road-worthy’ o maayos ang kondisyon ng PUVs na may valid Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity at nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit.

Bagamat pinayagang makabiyahe kahit walang special permit, may ibibigay na QR code sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV.

Para makuha ang QR code, kailangang magpadala ng request sa Facebook page ng LTFRB kasama ang mga sumusunod na impormasyon:
– Pangalan
– Mode (halimbawa PUJ, UVE at iba pa)
– Case
– Plaka o chassis number

Narito ang mga bubuksang ruta:
1 KALIBO, AKLAN – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA
2 MALAY, AKLAN – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA
3 SAN JOSE, ANTIQUE – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA
4 ROXAS CITY, CAPIZ – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA
5 ESTANCIA, ILOILO – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA
6 ILOILO CITY, ILOILO – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA
7 MIAG-AO, ILOILO – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA

Dapat ding sumunod sa basic health and safety protocols na ipinag-uutos ng IATF para sa mga pampublikong sasakyan.

Paalala ng ahensya, sundin ang mga patakaran dahil sinumang lumabag ay papatawan ng kaukulang parusa tulad ng pagmumulta at pagkakatanggal ng CPC o PA.

Sa ngayon, may 35,022 PUJs na bumibiyahe sa 387 routes sa Metro Manila, bukod pa sa 865 modern PUJs sa 48 ruta.

Bumibiyahe rin ang 4,499 units ng Public Utility Bus (PUB) at 390 point-to-point buses sa 34 ruta.

Mayroon ding 6,755 UV Express units sa 118 ruta, 21,436 taxis at 25,068 TNVS.

TAGS: dotr, Inquirer News, ltfrb, Radyo Inquirer news, dotr, Inquirer News, ltfrb, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.