Subscribers ng Converge ICT, nakararanas ng internet connectivity issues

Nakararanas ng internet connectivity issues ang mga subscriber ng Converge ICT Solutions Inc. sa buong bansa.

Ayon sa kumpanya, mayroong aberya ang kanilang Data Center bandang 1:10, Martes ng hapon (November 17).

“Our technical team is already working to resolve the issue in the soonest possible time and have your connection restored,” pahayag ng kumpanya.

Humingi rin ito ng paumanhin sa kanilang mga subscriber.

Sinabi ng Converge ICT na antabayanan ang susunod na abiso sa kanilang Facebook page.

Read more...