Klase sa Cagayan, suspendido hanggang Nov. 30
Mananatiling suspendido ang klase sa buong probinsya ng Cagayan hanggang sa November 30.
Sakop nito ang lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan.
Ayon sa Cagayan Public Information Office, idineklara ito ni Gov. Manuel Mamba dahil sa iniwang matinding pinsala ng malawakang pagbaha sa probinsya dulot ng Bagyong Ulysses.
Sinabi ng gobernador na layon nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral, guro at magulang na tutukan muna pagsasaayos sa kanilang tahanan, kagamitan at kabuhayan.
Kailangan ding mabigyan ng panahon ang pagsasaayos sa sektor ng edukasyon.
Samantala, balik-trabaho na ang mga kawani ng gobyerno sa Cagayan sa araw ng Miyerkules, November 18.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.