Ilang kalsada, hindi pa rin maaaring daanan dahil sa #UlyssesPH

Sarado pa rin ang ilang kalsada sa bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Batay sa abiso hanggang 6:00, Martes ng umaga (November 17), nasa 16 kalsada ang hindi pa maaaring daanan ng mga motorista.

Ito ay bunsod ng naitalang soil collapse, landslide, mudflow, debris flow, natumbang puno at baha dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulang dala ng bagyo.

Sa 16 kalsada, nasa apat rito ang nasa Cordillera Administrative Region (CAR), tatlo sa Region 2, anim sa Region 3, dalawa sa CALABARZON at isa sa Region 5.

Maliban pa dito, anim pang kalsada ang may limitadong access.

Dalawa sa nasabing bilang ay nasa Region 3 habang tig-iisa naman sa CAR, Regions 2, 5 at 8.

Read more...