Walang aasahang academic break ang mga estudyante – Palasyo
Walang aasahang academic break ang mga estudyante kahit na sunud-sunod ang panalasa ng bagyo sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay base sa pakikipag-ugnayan ng Malakanyang sa Commission on Higher Education (CHED).
Napagpasyahan aniya ng CHED en banc na sa halip na academic break, palawigin na lamang ng isa o dalawang linggo ang klase sa mga unibersidad at pamantasan.
Sa mga pampublikong paaralan, blended learning at modular naman ang pamamaraan ng pagtuturo kung kaya hindi na kailangan ang academic break.
Matatandaang humihirit ang mga estudyante ng academic break dahil sa pandemya sa COVID-19 at sunud-sunod na kalamidad sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.