Halos 60,000 pamilya naapektuhan ng Typhoon Ulysses sa Calabarzon

Umabot sa halos 60,000 mga pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng Typhoon Ulysses sa Calabarzon.

Sa update mula sa DSWD – Region 4-A, kabuuang 59,134 na pamilya sa rehiyon ang apektado mula sa 1,318 na mga barangay.

Sa nasabing bilang, 20,972 pa pamilya pa ang nananatili sa nasa 531 na evacuation centers.

Nakapagtala naman ng 7,532 na mga bahay na nasira ng bagyo sa nasabing rehiyon.

Sa naturang bilang, 6,661 ang partially-damaged at 871 naman ang totally-damaged.

 

 

 

Read more...