U-turn slots sa EDSA malapit sa Balintawak Market isasara simula sa Lunes, Nov. 23

Isasara ang U-turn slots sa EDSA na malapit sa Oliveros Drive at sa Balintawak Market simula Lunes, November 23, 2020.

Ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga apektadong motorista ay maaaring dumaan sa alternate route sa Balintawak interchange o sa General Malvar/Bagong Barrio U-turn slot kung northbound going to southbound at sa General Tiño naman kung southbound going northbound.

Isinasara ang mga U-turn slot sa EDSA bilang bahagi ng patuloy na efforts ng MMDA para mapabilis ang biyahe ng mga commuters sa EDSA Carousel Bus Routes.

Read more...