Globe naibalik na ang serbisyo sa Albay

Naibalik na ng Globe ang serbisyo nito sa buong lalawigan ng Albay matapos ang pagtama doon ng Super Typhoon Rolly at Typhoon Ulysses.

Ayon sa abiso ng Globe, balik na ang serbisyo ng kanilang Globe Prepaid, Globe Postpaid, TM, Globe Business, Globe myBusiness, Globe Platinum, Globe At Home Postpaid at Prepaid WiFi sa lalawigan.

Ang mga customer ng Globe ay maari na muling makagamit ng SMS, Voice at Data services.

Tiniyak ng Globe na muling maglalabas ng abiso tungkol sa kanilang restoration updates sa mga lugar na nasalanta ng mga bagyo.

 

 

 

Read more...