Northern Luzon apektado ng amihan

By Dona Dominguez-Cargullo November 17, 2020 - 05:46 AM

Amihan pa rin o northeast monsoon ang weather system na umiiral sa Northern Luzon.

Sa nalalabi namang bahagi ng bansa ay umiiral ang easterlies.

Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw, Nov. 17 ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na mahihinang pag-ulan dahil sa amihan.

Sa Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin din ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan at thunderstorms.

Wala namang sama ng panahon na binabantayan ang PAGASA sa loob ng bansa.

 

 

 

TAGS: easterlies, Northeast monsoon, northern luzon, Pagasa, weather, easterlies, Northeast monsoon, northern luzon, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.