Higit pisong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na

Epektibo na simula ngayong umaga ng Martes, Nov. 17 ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

May pagtaas na P1.05 sa bawat litro ng gasolina, P1.55 sa bawat litro ng diesel at P1.30 sa bawat litro ng kerosene.

Alas 6:00 ngayong umaga naging epektibo ang taas-presyo ng mga kumpanyang Shell, SeaOil, Fying V, PTT, Petro Gazz, Total, at UniOil.

Habang nauna nang nagtaas ng presyo ang Chevron alas 12:01 ng umaga.

Alas 4:01 naman ng hapon mamaya epektibo ang price hike ng Cleanfuel.

Samantala, nag-abiso naman ang kummpanyang Phoenix Petroleum na hindi nila ipatutupad ang dagdag presyo sa mga lugar na labis na sinalanta ng Typhon Ulysses.

Kabilang dito ang lalawigan ng Cagayan, Isabela, Rizal at sa Marikina City.

 

 

 

 

 

 

Read more...