Mga naka-recover sa COVID-19 sa Baguio, lagpas 2,200 na

Umabot sa 35 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 6:00, Lunes ng gabi (November 16), umabot na sa 2,785 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Sa nasabing bilang, 540 ang aktibo pang kaso.

65 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 2,208 na ang total recoveries sa Baguio City habang 33 pa rin ang death toll.

Samantala, sa suspected cases, nasa 4,484 ang aktibo habang 3,167 ang naka-recover.

Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 22,779 na residente habang 18,540 ang nakatapos na.

Read more...