COVID-19 cases sa Western Visayas, halos 18,500 na
Nagpositibo ang 98 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang November 15, umakyat na sa 18,470 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
2,401 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 79.26 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
108 naman ang gumaling pa kaya 15,586 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umakyat naman sa 483 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.