Sanggol sa Tuguegarao, nasawi dahil sa COVID-19
Pumanaw ang isang sanggol na anim na araw pa lamang ang edad dahil sa isang malalang sakit at COVID-19.
Ayon sa Cagayan Public Information Office, walang exposure ang sanggol sa COVID-19 positive ngunit ipinanganak na premature sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
Ipinanganak ang sanggol na may respiratory distress syndrome (RDS).
Ang biktima ang ikaapat na COVID-19 related death sa Tuguegarao City.
Binawian ng buhay ang sanggol sa CVMC dahil sa intractable metabolic acidosis, severe respiratory distress syndrome, nosocomial pneumonia at neonatal pneumonia bandang 5:00, Linggo ng hapon.
Sa ngayon, nasa 10 na ang COVID-19 deaths sa Cagayan province kung saan apat ang naitala sa Tuguegarao City, dalawa sa Tuao habang tig-iisa naman sa Aparri, Amulung, Enrile at Iguig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.