Lima pang residente sa Muntinlupa City, gumaling sa COVID-19

Umabot na sa 4,815 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Lunes ng hapon (November 16), sa nasabing bilang ay 51 ang aktibong kaso.

305 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 67 ang suspected cases.

Samantala, 4,608 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 156 pa rin ang bilang ng nasawi.

Read more...