Sinuspinde ng Marikina City government ang mga klase sa lungsod sa loob ng isang buwan.
Sinabi ni Mayor Marcelino Teodoro na simula ang suspensyon ng klase sa araw ng Lunes, Novemver 16, at tatagal hanggang sa susunod na apat na linggo.
Kahit na may modules at gadgets, sinabi ng alkalde na mahirap para sa mga estudyante na mag-aral kung nakalubog pa rin sa putik ang kanilang mga paa.
Aniya, mas kailangang tutukan ang clearing at cleaning operations sa pagsasaayos sa naturang lungsod.
Ani Teodoro, posibleng palawigin pa ang suspensyon ng klase kung hindi agad matatapos ang mga operasyon sa Marikina.
Matatandaang kabilang ang Marikina sa lubos na sinalanta ng Bagyong Ulysses.
Maraming lugar sa nasabing lungsod ang binaha.
READ NEXT
Pagpapatibay sa priority measures ni Pangulong Duterte, target ng Kamara bago matapos ang taon
MOST READ
LATEST STORIES