Pagpapatibay sa priority measures ni Pangulong Duterte, target ng Kamara bago matapos ang taon

By Erwin Aguilon November 16, 2020 - 06:07 PM

Gagamitin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang natitirang araw ng kanilang sesyon upang mapagtibay ang mga panukalang batas na idineklarang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, kinakailangang magamit nang husto ang natitirang session days para sa priority measures ng Pangulo.

Kabilang dito ang pagsalang sa bicameral conference committee ng P4.5 trillion na 2021 national budget.

Bago ang mag-adjourn ang sesyon para sa Christmas break sa December 19 ay inaasahang mararatipikahan na ng Kongreso ang bicam report at target na malagdaan ng pangulo ang pambansang pondo bago matapos ang taon.

Ilan din sa mataas ang tsansa na mapagtibay ay ang pagpapalakas sa Anti-Money Laundering Act, Internet Transactions Act, Magna Carta of Barangay Workers, Coconut Levy Fund, at On-Site, In-City, Near-City Local Government Resettlement Program.

Mayroon na lamang nalalabing apat na linggo bago ulit magbakasyon ang Kamara para sa Christmas break sa December 19.

Araw ng Lunes, November 16? nagbalik ang sesyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos ang kanilang Undas break.

TAGS: 18th congress, Department of Disaster Resilience, House Speaker Lord Allan Velasco, Inquirer News, President Duterte priority measures, Radyo Inquirer news, 18th congress, Department of Disaster Resilience, House Speaker Lord Allan Velasco, Inquirer News, President Duterte priority measures, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.