DPWH, nagpadala na ng grupo para suriin ang pinsala sa imprastraktura sa Surigao del Sur
Nagpadala na ng mga grupo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Surigao del Sur.
Ito ay kasunod ng pagtama ng magnitude 6 na lindol sa bayan ng San Agustin bandang 6:37, Lunes ng umaga (November 16).
Ayon kay Secretary Mark Villar, susuriin ng DPWH teams ang structural integrity at pinsala sa imprastraktura sa nasabing probinsya.
Nakapagtala ng intensities sa mga kalapit na bayan bunsod ng malakas na lindol.
Nagbabala rin ang Phivolcs na posibleng makaranas ng aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.