Muntinlupa LGU, magdo-donate ng P11-M para sa mga lugar na sinalanta ng mga nagdaang bagyo

By Angellic Jordan November 16, 2020 - 05:13 PM

Magdo-donate ang Muntinlupa City government ng P11 milyon para sa mga probinsyang sinalanta ng mga nagdaang bagyo sa bansa.

Ilalaan ang financial aid sa 21 bayan sa probinsya ng Catanduanes, Albay, Camarines Sur, Batangas, Oriental Mindoro, at Cagayan, at maging sa Marikina City.

Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, ambag ito ang lokal na pamahalaan ng lungsod para sa pagtulong sa mga residenteng nangangailangan ng tulong.

Umaasa naman ang alkalde na makatutulong ang financial assistance sa rehabilitasyon at pagbangon ng mga lugar.

Matatandaang maraming bayan ang binaha dahil sa sunud-sunod na dumaang bagyo sa bansa.

TAGS: Inquirer News, Mayor Jaime Fresnedi, Muntinlupa LGU donation, Muntinlupa LGU financial assistance, QuintaPH, Radyo Inquirer news, RollyPH, UlyssesPH, Inquirer News, Mayor Jaime Fresnedi, Muntinlupa LGU donation, Muntinlupa LGU financial assistance, QuintaPH, Radyo Inquirer news, RollyPH, UlyssesPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.