Palasyo kay dating Speaker Pantaleon Alvarez: We wish him well
“We wish him well”.
Pahayag ito ng Palasyo sa ginawang pagbibitiw kahapon ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez sa partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na PDP Laban.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, personal na desisyon na ito ni Alvarez.
Ayon kay Roque, base sa kanyang pakikipag-usap kahapon kay Alvarez, sinabi nito na nais ng dating speaker na tutukan ang voters’ education.
Hindi raw kasi magagawa ni Alvarez ang naturang plano kung patuloy na aanib sa partido ng pangulo.
Matatandaang napatalsik si Alvarez bilang speaker dahil sa hindi pagkakasundo sa anak ng Pangulo na si Davao City Mayor Sara Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.