Aabot sa 75 katao na pawang mga palaboy at sa kalye lamang naninirahan ang dinala sa station 10 ng Quezon City Police District (QCPD).
Karamihan sa mga palaboy ay mula sa kalye sa Cubao sa Quezon City.
Pawang walang tirahan at naglalatag lamang ng sapin sa kalye ang mga dinampot na indibidwal.
Ayon sa kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dadalhin sila sa Bahay Kalinga ng DSWD at doon bibigyan ng maayos na matutulugan, kasuotan at makakakain sila ng regular.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.