Kasunod ito ng matitinding kalamidad na tumama ngayon taon sa Pilipinas.
Giit ni Salceda, kailangan pa ng mas agresibong climate-adaptive at resilient development.
Dati pang inihain ng kongresista ang House Resolution No. 535 para sa deklarasyon ng disaster at climate change emergency sa bansa.
Panahon na rin anya para mag-commit ang Pilipinas sa foreign policy na nagsusulong ng climate justice mula sa pinakamamalaking polluters sa buong mundo.
Paliwanag ng kongresista, dapat maningil o humingi ng international justice ang Pilipinas dahil nagdurusa ito sa problemang kung tutuusin ay minimal o maliit lang ang naging parte ng bansa bilang isa sa may pinakamababang carbon emmissions sa buong mundo.