Climate emergency dapat nang ideklara ayon kay Rep. Salceda

By Erwin Aguilon November 16, 2020 - 12:25 PM

Suportado ni House Ways and Means committee Chairman Joey Sarte Salceda ang panawagan ni Environment Sec. Roy Cimatu na magdeklara ng climate change emergency.

Kasunod ito ng matitinding kalamidad na tumama ngayon taon sa Pilipinas.

Giit ni Salceda, kailangan pa ng mas agresibong climate-adaptive at resilient development.

Dati pang inihain ng kongresista ang House Resolution No. 535 para sa deklarasyon ng disaster at climate change emergency sa bansa.

Panahon na rin anya para mag-commit ang Pilipinas sa foreign policy na nagsusulong ng climate justice mula sa pinakamamalaking polluters sa buong mundo.

Paliwanag ng kongresista, dapat maningil o humingi ng international justice ang Pilipinas dahil nagdurusa ito sa problemang kung tutuusin ay minimal o maliit lang ang naging parte ng bansa bilang isa sa may pinakamababang carbon emmissions sa buong mundo.

 

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, calamities, climate change emergency, disaster, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Rep. Salceda, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, calamities, climate change emergency, disaster, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Rep. Salceda, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.