Mga kongresista at kawani ng Kamara kailangan ng negative results ng swab test bago papasukin sa mga opisina
Kailangang sumailalim muna sa RT-PCR test ang mga kongresista at mga kawani sa Kamara bago payagang makapasok sa kanilang mga tanggapan para sa pagbabalik-sesyon matapos ang Undas break.
Ayon kay House Secretary General Jocelia Bighani Sipin, bahagi ito ng mahigpit na health at safety measures upang maprotektahan ang lahat ng mga papasok sa Batasan Complex.
Mismong si Speaker Lord Allan Velasco ang nanguna sa pagpapatest sa RT-PCR testing noong nakaraang linggo.
Nasuspindi lamang ang ito bunsod ng bagyong Ulysses pero itutuloy muli ngayong araw.
Obligado din ang mga bisita na sumailalim sa COVID-19 antigen testing bago mabigyan ng access sa Kamara.
Ang mga house members, employees, guests kasama ang media ay pinagsusumite rin ng health declaration form para ipaalam ang kasalukuyang health status bago payagan na makapasok sa Batasan.
Kinakailangan din ang pagsusuot ng face mask, face shield, pagdaan muna sa thermal scanners at disinfection machines at mahigpit na pagsunod sa physical distancing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.