Sinas: Parang nahihiya na ako kay president

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2020 - 12:06 PM

Masaya subalit nahihiya.

Ito ay nararamdaman ni bagong Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas matapos idipensa siyang muli ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng pagdaraos niya ng mañanita party.

Sa pahayag, sa flag raising ceremony sa Camp Crame, pinasalamatan ni Sinas ang pangulo sa tiwalang ibinigay sa kaniya.

Ayon kay Sinas, halo ang kaniyang pakiramdam nang muli siyang idepensa ni Pangulong Duterte sa mga batikos sa kaniya sa mañanita party.

“I have mixed feelings. Natuwa ako pero at the same time nahihiya. I am very happy for the support of the President for me as his Chief PNP. Thank you very much, Mr. President. Rest assured of our best in police service,” ani Sinas.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na bibigyan niya ng pardon si Sinas kung sakaling guilty ito sa mañanita controversy.

Naniniwala ang pangulo na walang pagkakamali si Sinas kung ang mga tauhan nito sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ay nagpasyang isorpresa siya.

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, debold sinas, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, debold sinas, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.