Target na makapamahagi ng isang milyong libreng face masks sa mga residente naabot na ng Manila City LGU

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2020 - 10:33 AM

Ngayong araw, Nov. 16 ay naabot na ng Manila City Local Government ang target nitong makapamahagi ng libreng isang milyong face masks sa mga residente.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, sa pamamagitan ng Face Masks Sewing Livelihood Program ng Public Employment Service Office ay nagsimula ang paggawa ng face masks noong Hunyo na ipinamahagi sa mga residente ng libre.

Ngayong nakamit na ang target na isang milyon, magdaragdag pa ayon kay Moreno ng 500,000 na face masks upang mas maraming residente ang mabigyan.

Nagpasalamat si Moreno kay PESO Director Fernan Bermejo at sa lahat ng bumubuo ng PESO Manila sa pangangasiwa sa proyekto.

Pinasalamatan din ng alkalde ang mga mananahi at master cutter na gumagawa ng mga face masks.

Gayundin si UDM President Malou Tiquia sa pagpapahiram ng classroom na pinaglalagyan ngayon ng mga makina at cutting tables.

At sa ating mga MTPB Personnel at Office of the Mayor staff na nagde-deliver ng face masks sa mga barangay.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, face masks, Health, Inquirer News, manila, manila city hall, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, face masks, Health, Inquirer News, manila, manila city hall, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.