Pagbibitiw sa PDP-Laban ni dating Speaker Alvarez, inirerespeto ni Speaker Velasco

By Erwin Aguilon November 16, 2020 - 10:00 AM

Iginagalang ni Speaker Lord Allan Velasco ang desisyon ni dating Speaker Pantaleon Alvarez na iwan ang PDP-Laban.

Ayon kay Velasco, ang hakbang ni Alvarez ay nagpapakita lamang na gumagana at masigla ang demokrasya sa bansa.

Pinasalamatan rin nito ang dating Speaker sa naging kontribusyon sa partido.

Matatandaang nag-abstain si Alvarez noong botohan sa pagka-Speaker kay Velasco.

Dati rin nitong pinayuhan si Velasco na hayaan na lamang si noo’y Speaker Alan Peter Cayetano na ipagpatuloy ang kanyang termino para maiwasan ang pagkakahati-hati ng mga miyembro ng Kamara.

Lumipat si Alvarez sa partidong Reporma para tutukan ang pagbuo ng “voters’ education campaign” bago ang 2022 national elections.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Lord Allan Velasco, Pantaleon ALvarez, PDP Laban, Philippine News, philippine politics, Politics, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Lord Allan Velasco, Pantaleon ALvarez, PDP Laban, Philippine News, philippine politics, Politics, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Ad
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.