Ipinagkibit-balikat lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batikos na mabagal at walang ginagawang aksyon ang gobyerno sa pagtugon ng mga nangangailangan sa magkakasunod na bagyo na tumama sa bansa.
Ayon sa pangulo, political punchline lang ito ng kanyang mga kritiko.
Istorya din lang aniya iyo ng mga kritiko na hindi na dapat na patulan pa.
Katwiran ng pangulo, bago pa man tumama ang bagyo, naka preposition na ang nga tauahan ng iba’t ibang departamento.
Kasabay nito, humihingi ng kaunting panahon ang pangulo para sa kanyang mga gabinete na maglalabas ng pondo para ipang ayuda sa mga nasalanta ng sunud-sunod na bagyong Rolly at Ulysses.
Ayon sa pangulo, kailangan kasi magkaroon muna ng assessment ang kanyang mga gabinete bago maglabbas ng pondo.
Hindi naman kasi aniya maaring magsagawa ng spending spree ang kanyang gabinete nang hindi alam kung ano ang mga pagkakagastusan.
Sinabi pa ng pangulo na tiyak na kaso sa Ombudsman ang kakahrapin ng kanyang gabinete kapag nawaldas lamang ang pondo ng bayan.
Tiniyak naman ng pangulo na may pera ang gobyerno para ipang-ayuda sa mga nasalanta ng bagyo.
Lahat aniya ng departamento ay mayroong contingency plan.
Narito ang buong report ni Chona Yu: