Pasig River Ferry tigil-operasyon; docking flatform sa ilang istasyon napinsala ng Typhoon Ulysses

By Jan Escosio November 16, 2020 - 09:35 AM

Tigil operasyon ang Pasig River Ferry Service simula ngayon araw.

Ito ay dahil ilan sa kanilang istasyon o terminal ang napinsala ng nagdaang bagyong Ulysses.

Sa abiso ng MMDA, wasak ang pontoons sa Guadalupe, Hulo, Valenzuela, Pinagbuhatan at San Joaquin stations.

Ang pontoons ang docking flatform ng ferry boats.

Ayon sa MMDA kailangan suspindihin muna ang mga biyahe ng Pasig River ferry para masuri ang kanilang mga pasilidad para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Maglalabas na lang panibagong anunsiyo ang MMDA kung kailan babalik ang operasyon ng Pasig River ferry service.

 

 

 

TAGS: mmda, Pasig River Ferry, transportation, UlyssesPH, weather, mmda, Pasig River Ferry, transportation, UlyssesPH, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.