Dalawang airbus light twin engine helicopter ng Coast Guard biyaheng Aparri para maghatid ng relief supplies

Biyaheng Aparri, Cagayan ang Coast Guard Aviation Force (CGAF) lulan ng dalawang airbus light twin engine helicopter na CGH-1451 at CGH-1452.

Ang bawat isang helicopter ay naglalaman ng saku-sakong food packs mula sa Provincial Social Welfare Development ng Cagayan.

Bago pa sumikat ang araw ay sinimulan na ng mga tauhan ng Coast Guard ang pagkarga sa saku-sakong relief goods.

Ipamamahagi ang mga relief ngayong araw, Nov. 16 sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Cagayan.

 

 

 

Read more...