Anim na rockfall events naitala sa Mt. Mayon sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2020 - 08:24 AM

Nakapagtala ng anim na rockfall event ang Phivolcs sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 na oras.

Ayon sa volcano bulletin ng Phivolcs na inilabas ngayong Lunes, Nov. 16 nakapagtala din ng dalawang volcanic earthquake sa Mt. Mayon.

Noong Oct. 29 ang sulfur dioxide na naitala sa bulkan ay umabot sa 436 tonnes per day ang average.

Nananatili sa Alert Level 1 ang alert status ng bulkan.

Dahil dito, patuloy ang paalala ng Phivolcs na bawal pa din ang papasok sa loob ng 6-kilometer radius Permanent Danger Zone ng bulkan.

May mga panganib pa rin kasi ng rockfalls, landslides, ash puffs at phreatic eruptions sa Mt. Mayon.

 

 

 

TAGS: bulkan, Mt Mayon, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, rockfall event, bulkan, Mt Mayon, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, rockfall event

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.