Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag
Nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 212.86 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (November 16) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 213.30 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 100.59 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 100.90 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan din na nasa 79.13 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 79.42 meters.
Ang water level ng San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang Ambuklao at Binga dams.
Samantala, patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Angat, Ipo, Ambuklao, Binga at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.