Walang banta ng tsunami matapos ang magnitude 6.0 na lindol sa Surigao del Sur – Phivolcs
By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2020 - 07:48 AM
Walang banta ng tsunami sa mga baybaying dagat ng bansa matapos ang tumamang malakas na lindol sa Surigao del Sur.
Ayon sa inilabas na tsunami information ng Phivolcs, hindi magdudulot ng mapaminsalang tsunami ang magnitude 6.0 na lindol sa bayan ng San Agustin.
Ang pagyanig ay naitala alas 6:37 ng umaga ngayong Lunes, Nov. 16.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.