BREAKING: San Agustin, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 6.0 na lindol
(UPDATE) Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Naitala ng PHIVOLCS ang pagyanig sa layong 29 kilometers northwest ng bayan ng San Agustin alas 6:37 ng umaga ngayong Lunes, Nov. 16.
May lalim na 33 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V- City of Bislig, Surigao del Sur; Rosario, Agusan del Sur
Intensity IV- Cagwait, City of Tandag, Bayabas, Surigao Del Sur
Intensity III- Cagayan de Oro City; Tagaloan, Villanueva, Balingasag, Misamis Oriental
Intensity II- El Salvador City, Initao, Luagit, Manticao, Misamis Oriental; Virac, Catanduanes
Intenisty I- Iligan City
Ayon sa Phivolcs, maaring makapagtala ng aftershocks bunsod ng pagyanig.
Maari ding nagdulot ng pinsala ang naturang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.