Mahigit 15,000 pang katao nananatili sa mga evacuation center sa Rodriguez, Rizal
Aabot pa sa mahigit 3,000 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center sa Montalban, Rizal matapos ang pananalasa ng Typhoon Ulysses.
Batay sa update ng lokal na pamahalaan, mayroon pang 3,363 na pamilya o katumbas ng 15,591 na katao ang kinakalinga sa mga evacuation center.
Kabilang sa mga pinagdalhan sa mga evacuee ay mga covered court sa barangay at mga paaralan.
Maraming lugar sa Barangay Burgos, San Jose, San Isidro at San Rafael ang nasalanta ng Typhoon Ulysses kung saan umabot hanggang sa bubong mga bahay ang tubig -baha.
Mayroon pa ding mga lugar sa Montalban ang nananatili pang walang suplay ng kuryente at tubig kaya pahirapan sa mga residente ang paglilinis ng putik na tumabon sa kanilang bahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.