Distance learning sa mga lugar na tinamaan ng bagyo sa Region 4-A sinuspinde ng DepEd hanggang sa Nov. 20

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2020 - 06:24 AM

Suspendido ang pagpapatupad ng distance learning activities sa mga lugar sa Region 4-A o CALABARZON na labis na nasalanta ng Typhoon Ulysses.

Sa inilabas na memorandum ng DepEd CALABARZON, ang suspensyon ay mula ngayong araw, Nov. 16 hanggang sa Nov. 20.

Sakop nito ang limang munisipalidad sa lalawigan ng Rizal kabilang ang Rodriguez, San Mateo, Cainta, Taytay, Baras-Pinugay at upland areas sa Tanay.

Layunin nitong mabigyang pagkakataon ang mga apektadong pamilya na maka-rekover muna sa naging epekto sa kanila ng bagyo.

Maliban dito, sinabi ng DepEd na marami ding office personnel at mga guro ang binaha.

Kasabay nito inatasan ang lahat ng schools division superintendents na magsagawa ng inventory sa availability ng self-learning modules dahil maaring madaming modules ang nalubog din sa baha.

 

 

 

 

 

 

TAGS: deped, DepEdPH, distance learning, education, learning modules, Region 4A, deped, DepEdPH, distance learning, education, learning modules, Region 4A

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.