MRT-3 balik-operasyon ngayong araw matapos ang weekend shutdown

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2020 - 06:01 AM

Matapos ang ipinatupad na weekend shutdown ay balik na sa normal ang operasyon ng MRT-3 ngayong araw ng Lunes, Nov. 16.

Ang unang biyahe ng mga tren mula sa North Avenue station ay umalis kaninang 4:37 ng umaga at 5:17 ng umaga naman mula sa Taft Avenue station.

Isinagawa ang weekend shutdown na nagbigay-daan sa bushing replacement sa depot at turnout activity sa Taft Avenue station.

Dahil sa rehabilitasyon sa MRT-3 ay unti-unti nang naitaas ang speed limit nito.

Sa ngayon, ang train running speed ng MRT-3 ay 50kph.

Target na maiakyat pa ito sa 60kph sa Disyembre, oras na matapos ang pagsasaayos ng turnouts.

 

 

 

 

TAGS: dotr, DOTrPH, MRT 3, railwaysph, weekend shutdown, dotr, DOTrPH, MRT 3, railwaysph, weekend shutdown

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.