Bigtime oil price hike ipatutupad ng mga kumpanya ng langis

Malakihang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang nakaambang ipatupad ng mga kumpanya ng langis ngayong linggo.

Ito ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng langis sa international market.

Batay sa pagtaya, maaring umabot sa P1.50 hanggang P1.60 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel.

P1.10 hanggang P1.20 naman ang posibleng dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.

At P1.30 hangggang P1.40 naman ang dagdag sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Ngayong araw ay iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang eksaktong halaga ng ipatutupad nilang dagdag presyo na magiging epektibo bukas araw ng Martes.

 

 

 

 

 

 

Read more...