Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 7,677 na

Nadagdagan pa ang bilang n kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP (Linggo, November 15, 6PM) 7,677 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang ay mayroong 7,240 na pulis na nakarecover o gumaling na sa sakit kung saan nakapagtala ng 34 na bagong recoveries.

Ang COVID-19 active cases naman ay 413.

Samantala, ang COVID-19 related deaths ay nanatili sa 24.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

Excerpt: Nanatili sa 24 ang nasawi na pulis sa virus.

Read more...