Bilang ng mga nakarecover sa Muntinlupa City nadagdagan pa

Tumaas pa ang bilang ng mga naka-recover sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government (Linggo, November 15, 5PM), nasa 4,603 na ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa COVID-19.

Ang bilang ng active cases sa lungsod ay 54.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 156.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod ay 4,813 na.

Samantala ang bilang ng probable ay 305 habang 67 naman ang suspected.

Read more...