Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 57,733

By Mary Rose Cabrales November 16, 2020 - 04:45 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (November 15, 3:00 PM) nakapagtala ng 407 na bagong kaso kaya pumalo na sa 57,733 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 15,649
Laguna – 15,745
Batangas – 10,031
Rizal – 11,841
Quezon – 4,467

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 7,963.

Nasa 48,241 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 100 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 13,066
Laguna – 14,043
Batangas – 9,070
Rizal – 9,597
Quezon – 2,465

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 2 kaya umabot na sa 1,529 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 406
Laguna – 328
Batangas – 290
Rizal – 382
Quezon – 123

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

TAGS: Batangas, calabarzon, cavite, coronavirus, COVID-19, doh, Health, laguna, Quezon, Rizal, Batangas, calabarzon, cavite, coronavirus, COVID-19, doh, Health, laguna, Quezon, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.