Mga kritisismo na mabagal umano ang pagresponde ng gobyerno, hindi totoo – Pang. Duterte

By Chona Yu November 15, 2020 - 09:18 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

“Istorya lang ‘yan!”

Tugon ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kritisismo na mabagal ang pagresponde ng pamahalaan sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses partikular na sa bahagi ng Isabela at Cagayan Valley.

Ayon sa Pangulo, hindi totoo na natulog sa pansitan ang gobyerno.

Nakaposisyon na aniya ang suplay ng tubig at pagkain na ipinamahagi sa mga nasalanta ng bagyo.

“Istorya lang yan. Kailan pa ba tumakbo rin ang gobyerno na mabilis. You go right away and spend money, you land there with the Omdusman. So, give them time to make the proper assessment. Saan ang bagal dito? Nandyan ang pagkain, the housing nandyan, they are ready t implement. ang sabi ko they have the money. kung politika yan sa totoo lang. that’s a political punchline,” pahayag ng Pangulo

Nanindigan pa ang Pangulo na walang kapabayaan sa hanay ng pamahalaan.

“Don’t believe in that. That’s garbage. Alam mo, lahat ng mga, the one in-charge sa mga yung preparations for emergency, long before dumatng yung tyhoon naka-deploy na ang mga tao dito including the nearest, yung mga makinarya, nandyan na sa, the nearest to the provinces na which we really suspect to be prone to flood,” pahayag ng Pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.