Ilang pinangalanang tiwaling opisyal ng DPWH, patay na

By Chona Yu November 15, 2020 - 07:18 PM

Patay na ang ilang tiwaling opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pinangalanganan sa harap ng publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa situation briefing sa Camarines Sur, inabisuhan ni Office of the Presidential Adviser for Bicol Affairs Undersecretary Marvel Clavecilla na patay na ang mga tiwaling opisyal ng DPWH habang ang iba ay nagretiro na.

Idinidiga kasi ni Clavecilla kay Pangulong Duterte na nagkaroon ng Bicol River Basin para makaiwas sa pagbaha ang Bicol region.

Tugon ng Pangulo, maaaring gawin ito ng DPWH. Ang problema ayon sa Pangulo, pinamamahayan ng mga demonyo ang DPWH.

Agad namang nilinaw ng Pangulo na tapat at masipag naman si DPWH Secretary Mark Villar. Ang mga kurakot lamang aniya ay ang kanyang mga tauhan.

Dito, sinabi ni Clavecilla na patay na ang mga pinangalanan ng Pangulo.

Pabirong tugon naman ng Pangulo, mabuti at patay na ang mga pinangalanang tiwaling opisyal dahil kung hindi ay papatayin din niya ang mga ito.

TAGS: DPWH, DPWH corruption issue, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Mark Villar, DPWH, DPWH corruption issue, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Mark Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.