DA nag-abot ng tulong para sa mga nasalantang magsasaka ng #UlyssesPH sa Cagayan
Nagpaabot ng tulong ang Department of Agriculture (DA) sa mga apektadong magsasaka ng Bagyong Ulysses sa probinsya ng Cagayan.
Araw ng Linggo (November 15), nai-turnover ni DA Secretary William Dar ang P846.75 milyong halaga ng tulong kay Cagayan Governor Manuel Mamba.
Maliban dito, mayroon ding rice donation para sa naturang probinsya mula sa DA-National Food Authority (NFA) na nagkakahalaga ng P18.12 milyon.
Kasama ni Dar nang iabot ang tulong sin Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año, at Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque.
Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang rescue and relief operations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.