Sen. Angara, nagpahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo

By Jan Escosio November 15, 2020 - 01:53 PM

Sa pagbuti ng panahon, agad na nagpadala ng food packs si Senator Sonny Angara sa daan-daang nasalanta ng Bagyong Rolly sa Bicol Region.

Ang relief operations ng “Alagang Angara” ay isinagawa sa mga bayan ng Bato at Virac sa Catanduanes na labis na nakatikim ng matinding pananalasa ng bagyo.

Nagpahatid tulong din ang senador sa ilang baragay sa Albay, partikular sa Binanuahan, Gapo, Camalig, Ilawod; Barangays Buraguis, Gabon at Magurang sa Polangui at Barangay Puro sa Legazpi City.

Katuwang ang mga lokal na opisyal, mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fire Protection, maayos na naipamahagi ang ipinadalang tulong ni Angara.

Mgasasagawa rin ng katulad na relief operations sa mga apektadong pamilya naman sa Camarines Sur.

TAGS: alagang angara, Inquirer News, Radyo Inquirer news, RollyPH, Sen. Sonny Angara, Typhoon Rolly aftermath, Typhoon Rolly devastation, Typhoon Rolly evacuation, Typhoon Rolly fatalities, Typhoon Rolly flood, alagang angara, Inquirer News, Radyo Inquirer news, RollyPH, Sen. Sonny Angara, Typhoon Rolly aftermath, Typhoon Rolly devastation, Typhoon Rolly evacuation, Typhoon Rolly fatalities, Typhoon Rolly flood

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.