Pumalo na sa 69 katao ang namatay dahil sa Bagyong Ulysses.
Sa briefing sa Tuguegarao, iprinisenta ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Undersecretary Ricardo Jalad kay Pangulong Rodrigo Duterte na galing ang mga nasawi sa Region 2, CALABARZON, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Umabot aniya sa 286,000 pamilya o 1.1 milyong katao ang naapektuhan ng bagyo.
Mahigit sa 3,000 bahay ang sinira ng bagyo.
Umabot na sa mahigit P1 bilyong halaga ng agrikultura ang nasira ng bagyo habang sa sektor ng imprastraktura ay nasa P230 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.