Pangulong Duterte, patungo na sa Cagayan Valley

By Chona Yu November 15, 2020 - 01:00 PM
Photo credit: Sen. Bong Go

Patungo na sa Cagayan Valley si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay para personal na alamin ang kalagayan ng mga taga-Cagayan Valley matapos bahain bunsod ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Senador Bong Go, nagsagawa muna sila ni Pangulong Duterte ng aerial inspection.

Photo credit: Sen. Bong Go

Base sa mga litrato na ipinamahagi ni Go, makikita na lubog pa rin sa baha ang Cagayan.

Bababa sila ni Pangulobg Duterte sa Solano.

Pagkatapos ng aerial inspection, mayroong situation briefing ang Pangulo sa Tuguegarao Airport, Cagayan

Mula sa Cagayan Valley, magtutungo rin ang Pangulo sa Camarines Sur kung magkakaroon saan din ng Situation Briefing sa Capitol Ground, Camarines Sur.

TAGS: Cagayan evacuees, Cagayan flood, Inquirer News, President Duterte aerial inspection in cagayan, President Duterte in Cagayan, Radyo Inquirer news, Typhoon Ulysses aftermath, Typhoon Ulysses devastation, Typhoon Ulysses evacuation, Typhoon Ulysses fatalities, Typhoon Ulysses flood, UlyssesPH, Cagayan evacuees, Cagayan flood, Inquirer News, President Duterte aerial inspection in cagayan, President Duterte in Cagayan, Radyo Inquirer news, Typhoon Ulysses aftermath, Typhoon Ulysses devastation, Typhoon Ulysses evacuation, Typhoon Ulysses fatalities, Typhoon Ulysses flood, UlyssesPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.