Halaga ng pinsala sa imprastraktura sa Cagayan, umabot na sa halos P1.6-B

By Angellic Jordan November 15, 2020 - 12:47 PM

Photo credit: Sec. Mark Villar

Tinatayang halos P1.6 bilyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura sa Cagayan dahil sa Bagyong Ulysses.

Sa kaniyang Facebook video, sinabi ni DPWH Sec. Mark Villar na ito ay dahil sa malalang pagbaha sa naturang probinsya.

Mula sa 26, sinabi ng kalihim na 13 na lang ang road closure sa Cagayan.

Tiniyak naman ni Villar na tuluy-tuloy pa rin ang clearing operations sa mga kalsada sa probinsya.

“Pinaplano po namin ngayon kung ano ang kailangang gawin at anong mga pangangailangan ng ating mga kababayan dito pero asahan niyo po na mabilis ang pagkilos ng gobyerno at gagawin namin ang lahat para maibalik sa normal ang buhay dito sa Cagayan,” pahayag pa ng kalihim.

TAGS: Cagayan flood, DPWH clearing operations, Inquirer News, Radyo Inquirer news, road closures, Sec. Mark Villar, Typhoon Ulysses aftermath, Typhoon Ulysses devastation, Typhoon Ulysses flood, UlyssesPH, Cagayan flood, DPWH clearing operations, Inquirer News, Radyo Inquirer news, road closures, Sec. Mark Villar, Typhoon Ulysses aftermath, Typhoon Ulysses devastation, Typhoon Ulysses flood, UlyssesPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.